Girl, anong ginagawa mo? Haha.

Last weekend, sobrang stressed ako sa lahat ng mga bagay– work, bahay, love, etc.  Wala ako mabulabog na friend para kwentuhan tas at the same time, nahihiya ako mambulabog ng mga tao kasi lately, every time nagkkwento ako sa kung sino, feeling ko talaga isang malaking pasakit lang ako okay HAHAHA.

So naglabas ako ng camera at ng cheap, mini ring light ko, at nag-film!! Nagkwento ako sa harap ng camera for AN HOUR.  Tapos nung inedit ko, almost 40 minutes ako nagsasalita, at sa lagay na ‘to na-compress ko pa siya sa 28 minutes.  Whew.  After neto feeling ko nagpa-therapy ako.  Shucks, baka gawin ko na ‘to regularly???

May mga nag-message sakin na napanood nila ng buo, naunahan pa nila ako.  Chop-chop ang pag-edit ko neto eh kaya shocked ako na may mga nanood mygod??? Anyway, salamat sa pagdamay sakin.  Ang bigat ng puso ko lately, pero parang unti-unti na kong nagiging okay 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

CommentLuv badge

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: