May 03 – May 05, 2013
Nagsasa, San Antonio, Zambales

Unang-una, I’m very thankful na sumama ako sa trip na ‘to 🙂 It’s about time na mag-explore naman ako, na mag-travel, na sumama sa magagandang lugar with friends 🙂 Especially dun talaga sa may ~passion~ for travelling kasi marami akong natututunan and at the same time, naeenjoy ko rin ang trip 🙂

image

image

image

image

image

Image-heavy! At mahabang kwento! As usual, under the cut 🙂 Thank you pala friends para sa mga ninakaw kong pictures 😀

Nung una, hesitant pa talaga ako sumama kasi 1) Hindi ako mahilig sa beach! 2) Mainit 3) Sanay ako sa planadong at 4) Sanay ako sa komportableng biyahe.  Every year, at least once, umaalis kami ng family ko at siyempre, si Papa ang nagddrive so wala kaming iintindihin.  Tipong pupunta ka na lang dun.

Last year, dinala ako ng Tita ko sa Boracay, and lahat libre din.  Walang hassle.  Pero this time, magcocommute kami, walang sasakyan, at hindi ko alam anong plano.

Nagulat rin ako sa sarili ko na pumayag ako at nagulat ako sa Tatay ko na pinayagan niya ako O_O Siguro naisip niya, dapat ko maranasan naman ‘tong mga ganto.  Nanay ko pa nga yung sobrang worried dahil walang kuryente at signal dun at alam niyang hindi daw ako tatagal.  HAHA.  The fact na tina-type ko ‘to around a month later, e ibig sabihin buhay pa naman ako diba? 🙂

Umalis kami after office at nagkita-kita sa Victory Liner terminal.  Nung una, panic mode kami kasi no idea kami anong bus, anong oras departure, etc. Pero saktong nakahabol naman kami, so yay ready to go! Nakaalis kami around 11:30pm ata 🙂 Katabi ko si Kuya Richard, at malaking kaguluhan ‘to sa buhay. Hahahaha.

Mga 4am, nakarating na kami sa Zambales 🙂 Kinailangan naming sumakay ng tricycle para makarating dun sa lugar.  Dahil madaling-araw at medyo lutang pa ko, feeling ko nasa set kami ng Tiktik: The Aswang Chronicles at bigla na lang may hahablot sakin. Haha!

Pagdating dun sa lugar, ayan na, buhangiiiiin! Mga bahay ng mga tao pala talaga yung andun! Ayoko ng buhangin 🙁 Buti na lang may nabili akong tsinelas sa bus station kasi wala akong nadala.  Haha! Di kasi ako komportable sa buhangin lalo na kung wala pang dagat kasi feeling ko madumi.  Haha, sorry na.

Pero nakikain kami dun sa isang bahay (sorry di ko maalala name! kilala ni Ate Ma-ann :D) tapos omg ang sarap ng kanin okay.  Best kanin ever.

Madilim pa nung dumating kami so nagpalipas na lang muna kami, nagbreakfast at nagbihis at nag-ayos ng bags.  Nung medyo lumiwanag, ready to go na! 😀

image

image

The Gang: Ako, Tin, Nestle, Jestine, Ate Ma-ann, Matthea, Ate Joanne, Nikka, Ate Joane, Kuya Fred, Kuya Richard, and Kuya Henry 🙂

Btw, yung Dorina na boat, anak siya nung may-ari nung sinasabi kong bahay! Ang cute lang 🙂

image

Habang lahat nag-eenjoy sa sunrise at sa magandang view, may batang natutulog.  Sheesh.  Takot sa araw. Haha.

image

image

image

At nagising rin ako sa wakas! 😀

image

Nung dumating kami, nag-set up kami sila ng tent, nag-ayos ng gamit, etc.  Naghanap kami ng magandang lugar.  At walang tao halos! Grabe. Parang nabili na namin yung isla <3 Love it.

image

image

image

Siyempre, picture-an galore! Sobrang adorbs ng mga kiddies :3

image

image

image

image

image

image

image

Mermaid!!! Hahaha.  And oh, ang hot ng mga kasama ko so conservative ang peg ko para maiba naman.  LOL.  At di ko naman din talaga kaya yun sa tingin ko ha.  Hehe. Atsaka dahil sumasabog sila sa hotness, magpapacute na lang ako.  HAHA.

Pero dahil masyado silang excited sa photoshoots, at para naman di ako KJ.  Foyn, tinanggal ko na rin nga yung cover up! Pero binalik ko na rin agad agad.  Hahaha. Sorry na kung feeling ko nakahubad ako na ewan.

image

image

image

image

Sobrang dami pang photos niyan from different cameras! Kaso baka magalit sila na ipopost ko ‘to at naka-public, check niyo na lang sa facebook ng mga kaibigan ko kung gusto niyo ng bikini pics! 😀

image

image

Gusto ko lang sabihin na ang gwapo ni Kuya Richard nung trip. KBYE.

image

At dahil wala naman nga masyado gagawin, volleyball galore na lang sila tapos ako (Ate Joane, Jestine, Kitine) nag-explore sa isang side ng island at nakipagpatawaran ng matagaaal (wooohoo go buyer ~*skillz*~!) sa souvenir shirts.

Actually, may lumapit (marami? HAHA) samin na cute guys (pero isa lang yung pogi talaga, tbh) pero naisip namin, Cheerleader Effect lang yon.  Haha!

Nakatulog din pala ako sa duyan ng medyo matagal (wow gudjab!) pero di ako nag-iisa! Hahaha. Ang funny lang na ang komportable ng pahinga namin habang nagswim yung iba 😀

Nung hapon, nangulit lang ako ng mga tao kasi wala nang araw.  So makakagalaw na ko ng payapa! Hahaha.  Kinulit ko lang si Kuya Richard hanggang dumating si Tin and Ate Joane at nagpa-abot na kaming tatlo ng sunset at dilim sa dagat. LOL.

image

image

At nung dumilim, madilim talaga! Haha.  Buti meron kaming gasera kaya medyo lumiwanag yung lugar.  And finally! Sabay-sabay na kami kumain! Grabe napansin namin na di kami sabay-sabay nag-lunch or merienda! Hahaha. Kaya bawi sa dinner 🙂

Ang sarap ng food 🙂 Hinatid pa samin mula kabilang island tas kahit pano, tulong-tulong sa pag-prepare 🙂 Well, ako nagbalat lang ako ng tahong.  Yung mga boys mostly ang nag-ihaw at nag-ayos 🙂 Hehe.

Dalawa lang pala yung CR sa island, so blockbuster ang pila.  Kaya late na kami naligo at sabay pa kami ni Tin! Hahaha winner.  At wala talagang kuryente na-aamaze ako 😀

Pagdating dun, naka-prepare na sila mag-inuman! Hahaha.  Pero di ko gets bakit pang-tatay yung drinks. LOL. E game naman ako kasi wtf ang aga pa pala kala ko super lalim na ng gabi :))

Medyo mainit at walang stars, pero nung medyo pa-late na, lumabas na yung stars.  Ang saya!

image

Mukhang basag lang.

image

So, the whole night, nagpatugtog lang sila ng music sa phone (bakit ako wala nang battery! apkors) at kwentuhan :3 Di kami makapag-ingay kasi yung katabi namin, Christian group ata at may sharing @___@ NKKLK.

After a few hours lang, tulog na mga kasama ko! Ano ba yan! Kala ko ba lasingan? O_O Hahaha.  E hindi ko pa yun nagagawa sa buhay ko so pinilit ko gumising :))

image

Natira lang ako, si Kuya Richard, Jestine, Kuya Fred, at Kuya Henry.  All boys pala e! Haha. Deh.  Kulitan lang. Sayang naman kasi yung trip kung matutulog ng maaga.  At may nagpalipad din ng sky lanterns kaya natuwa naman ako 🙂

Hindi ako masyadong uminom.  Onting shot lang, Tanduay Ice, atsaka San Mig Light.  Wala namang effect 🙁 Yung Tanduay Ice, inantok lang ako pero lahat ng hindi ko naubos, binibigay ko ke Kuya Richard.  Hahaha. Nasa mood magkwento si Jestine nun, kaya nakinig lang kami 🙂

Nag-decide kami matulog around 2am siguro? Kasi malamig at malamok na.  Pagdating ko sa tent, hindi pantay! Ohmygehd.  Hahaha.  And as usual, si Tin ang katabi ko at dinantayan niya ko the whole night.  Paggising ko, nasa kanya na “unan” ko.  Good job! Haha.

Maaga kami nagising, mga 6am tapos diretso hilamos na at sakay ng boat pabalik sa island 🙂 Fail na wala kaming pictures after last night! Wala na kasi ata kaming mga battery? Haha.

Ang tagal ng boat ride pauwi (at nabasa ako! Yay!) at huminto pa yung sinasakyan naming boat.  Winner ka dun teh. 😀 Breakfast ulit kela Dorina tapos diretso uwi na 🙂

Nagbus kami hanggang Olongapo (? not sure haha) at ang kaskasero ni driver feeling ko titilapon ako sa bus.  Haha! Sa Victory Liner naman, may bitchesang nang-agaw sa upuan namin pero ugh, kalma lang.  Katabi ko naman si Tin so super ingay lang :))

At nadaanan lang namin yung Bulacan pero kelangan sa Trinoma pa ko bumaba.  Hassle sa muscle.  Kasama ko si Tin and Jowwayne pauwi so keri naman 🙂

Pagod na pagod ako after pero masaya naman ako 🙂 Parang… okay lang pala sakin ulitin? Ang weird kasi hindi naman ako ganto! At sabi nga ng boss ko, ienjoy ko daw at maganda at importante raw na makapunta ako sa mga ganung lugar 🙂

At kahit papano, kinaya ko naman na mahigit dalawang araw na walang telepono! Yayy congrats, self 😀 I’m so proud of you ♥

First time ko kasi mag-travel na friends ang kasama kaya siguro naenjoy ko HAHA.  Enjoy din naman kasama ang family pero iba siguro talaga pag sarili mong pera ang gamit mo, walang sasakyan, kayo mismo ang magpprepare ng lahat! Imagine, bumili pa ko ng backpack at sun block chuva para lang dito.  Hahaha. E dati, naka-ready na lahat, gora na lang ako 🙂

Kaya ayun, sana sana SANA maulit pa ‘tong mga gantong moments kasama ang mga kaibigan ko 🙂 Yung mga gantong memories yung worth balikan sa future 🙂

PS
Dahil first time walang signal at di ako matatawagan ng parents ko, nag-try ako mag-smoke para lang masubukan ko.  Di ko gusto.   Yun lang.  Pa-cool ako e. K.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

CommentLuv badge

%d bloggers like this: