Late na ‘to! Pero nag-Subic kami ng malaki kong pamilya last Saturday (November 19, 2011) at ang gulo-gulo ng mga plano 🙁 Sanay kasi ako na pag ang Papa ko ang nag-organize, lahat swak sa oras. At mula pagtuntong namin sa place, wala na kami iintindihin sa pagkain, titirhan, sasakyan, at kung ano-ano pa. Kabaliktaran ang nangyari sa trip na ‘to dahil hiwa-hiwalay at hindi maayos ang mga naganap pero ayoko na i-detalye kasi… Wala lang.

Buti na lang talaga naging maaayos naman kaya hindi na ako magrereklamo 🙂 Masaya dahil first time ko sumakay ng Banana Boat. Hohoho.~

image

image

Kasi nga gusto ko lang mag-feeling at mag-shades at mag-hat para humabol sa summer, pagbigyan niyo na ko please! Haha.

image

Random Fact: Wala akong kahit isang swimsuit. As in. Biglaan tong trip na to at nagpanic ako kasi wala akong isusuot. Haha.

Gaya nga ng sinabi ko, wala kaming pupuntahan. So akala namin dito kami sa All Hands Beach, yun pala ayaw nila so nag-backout ang lahat! Huhuhu. Nakakahiya ang dami pa naman naming pictures :))

 

image

image

image

image

Magkasing-puti kami ni Tita Auggie akalain mo yun. HAHAHA.

image

image

Mukhang maganda pa naman kasi maliit lang, parang napaka-private. Kaso mahal. At never naman ako naging Beach fan. Sana swimming pool na lang.

image

Dinekwat ko yung shades ni Tita Auggie dahil malakas maka-Donya :)))) At sobrang badtrip na ko niyan, pinaglaruan na lang namin yung GPS ng phone. LOL.

image

Dito kami napadpad sa Oceanview Resort. Okay lang naman kaso ang totoo, nangati ako. HAHA. Sa sobrang tagal naming nakatanga, nagpicture na lang kami. E diba nga maarte ako? So ayaw ko magbilad sa araw, 4pm na ko lumangoy. Nakatanga ako the whole day. LOL.

image

image

Mga inaanak ko 🙂

image

image

image

Kung di lang ako magmumukhang KJ, di pa sana ako pupunta sa dagat kasi nga mainit pero wala na rin akong nagawa. Pati sa banana boat, gumora na rin ako.

image

image

image

Pakisabi nga pano ko hindi maiinsecure sa ganda ng mga kamag-anak ko 😐 Anyway….

image

image

Hindi ko makita yung mga Banana Boat pictuers namin! T_T Baka nasa facebook ng ibang pinsan ko or something. Sobrang ingay ko!! Sorry first time at takot ako sa dagat. Pero masaya, gusto ko ulitin! 😀 Masakit nga lang sa kamay ang higpit ng kapit ko e :))

Yung tinuluyan namin, nakakaligaw. Pero maganda naman, medyo mala-Fontana ang style ng bahay. In fairness, kasya ang karamihan samin, sa iba natulog ang mga hindi kasya. Mga 40 siguro kami O_O At madami pang di nakasama sa lagay na yan.

image

image

Big lollipop is big.

image

Nagsimba kami sa Church kung saan kinasal ang Tito ko 🙂 Tapos diretso uwi na! Bitin, pero keri na rin. Naiwan pa mga pinsan ko kasi umadventure pa sila. So nag-chocolate shopping na lang kami. LOL.

Ngayon lang ako napunta sa Duty Free. Bakit ba kasi dollars pa? Ang hirap magconvert in fairness. Haha.

image

So ako na ang pinakamagulo at pinaka-informal magkwento. Haha. Sana mas marami pang trips dahil minsan lang ako libre sa summer okay. Ngayon lang to, kelangan na lubusin!!! 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

CommentLuv badge

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: