Nakakatawa, mag-end na yung May na wala pa rin akong nasusulat sa blog na ‘to pero bayad siya wuw.  Dagdag na naman sa list ng gastos ko na hindi naman kelangan.  At nakakatawa rin bakit ko ba prine-pressure yung sarili ko magsulat in English eh di naman ako magaling don.  Di na nga magaling sa numbers, di pa magaling sa english.  Jusko hirap naman na walang talent, haha.  Pero kaya ko rin nga pala sinubukan magsulat non in English eh for practice.  Tas wala…. life happened.  Every timea sinusubukan ko, kelangan ko pa mag-isip, hindi tuloy-tuloy yung flow, so tinatamad na ako tapusin.  Congrats.

And well nagjo-journal naman ako nang madalas (sinusubukan ko everyday!) at nag-uupload ako ng youtube videos monthly so pwede na rin siguro yun no?  As in pwedeng documentation na sa buhay + everyday ig stories + tweets ko na puro wala namang kwenta.   Walang kwenta kasi halos wala namang nangyayari? Bahay 24/7 lang tapos lately puro work pa. Nakakapagod na rin.

Tapos kaya rin siguro ako nagjo-journal at panay ang post sa ig stories at twitter kasi wala naman din ako makausap na walang judgement?  Well at least kung ija-judge nila ako don, di ko malalaman.  Haha.  Di naman ako nag-eexpect ng reply or anything.  Madalas kasi pag nagkkwento ako, minsan gusto ko lang may makinig pero madalas may opinion mga tao at hindi ko rin naman sila masisi.  Di ko rin masisi sarili ko na sobrang sensitive ko.  Sinusubukan ko naman kumalma hanggang kaya ko eh.  Di lang talaga siguro ako kalmadong tao tapos kita pa lagi sa mukha ko kung anong feelings ko.  Ang bilis-bilis ko pa magtampo ngayon pag kinokontra ako, hindi dahil feeling ko tama ako all the time pero parang minsan gusto ko lang naman ng kakampi?

Di naman ako perfect eh.  Di rin perfect mga tao sa paligid ko.  So pag feeling ko ang preachy na, ako na talaga lumalayo.  At pansin ko parang meron akong specific friend para sa specific ganap sa buhay ko.  Fini-filter ko na talaga lahat ng kwento ko ngayon sa mga tao kasi ayoko na lang makarinig.  Pero online, tingin ko naman no filter na ko.  So kung annoyed sila sakin, kebs.  Wag niyo na lang ipaalam sakin, di ko na yan kelangan idagdag sa napakarami kong iniisip.

***

Bukod sa everyday reklamo sa work, ano pa nga ba?  Feeling ko nilamon na ko ng trabaho PERO ayoko pa rin diktahan niya yung buhay ko.  Kinuha na nga lahat ng oras ko, kahit beyond work hours, kasi naiisip ko pa rin eh.  Pero at least yung choices, nasakin pa rin.  Importante sakin work ko for sure.  Lalo ngayong pandemic na wala naman talaga akong choice haha.  Forever thankful na meron akong work at stable source of income, especially since sa pamilya namin eh ako may pinaka-okay na work sa situation ngayon. Kaso parang ibang-iba yung state of mind ko ngayon vs. more than a year ago.  Ibang-iba talaga.  Yung stress hindi na lang nangggaling sa tasks sa work eh. Yun matagal ko naman nang tanggap na di nauubos.  Pero yung mga tao, mga nangyayari in general?  Ang hirap 🙁

Madalas di ko alam kung kaya ko pa, sa totoo lang.  Iba-iba naman tayong situation at minsan conscious ako sa iisipin ng iba na napaka-weak ko naman, na para yun lang, na I should just “suck it up” pero ganun talaga nararamdaman ko eh.  Atsaka tingin ba nila di na ko nagtitiis for so long para sabihin yun?  Di naman nila alam nangyayari sa buhay ko especially since I stopped talking to people about it kasi wala namang nagiging solusyon at nauumay lang mga tao sa rants ko.

***

Parang wala namang patutunguhan ‘tong post na ‘to. Extended version lang ‘to ng tweets ko eh. Napapagod lang kasi ako agad talaga. Minsan nga wala namang masyadong gagawin kung tutuusin pero parang di ko na kayaaaa. As in yung utak ko nasa maraming ibang bagay na GUSTO KO gawin pero di ko magawa dahil limited oras and resources ko. Akala ko this pandemic magiging productive ako pero totoo pala na mag-survive ka lang, ang laking blessing na eh.

***

Kung may isang bagay lang na sure ako eh yung namimiss ko yung mga tao na close sakin.  Dati kasi, kapag stressed sa work, bababa lang kami tapos mag-merienda, okay na lahat! Eh ngayon walang outlet.  Kung may gusto ko makausap, via chat or tawag rin lang naman na sobrang wala ako sa mood esp pag chat.  Ang tamad ko magreply. Pag call naman kelangan rin nasa mood ako.  Haha, once nag-start naman halos lahat ng kausap ko umaabot ng hoursss pero kelangan nga hanapan pa rin ng oras.

Tapos siguro kahit ayoko na hinahawakan ako, physical touch din love language na gusto ko binibigay?  Ma-hug / touchy ako sa mga taong gusto ko pala talaga! Kaya ngayong walang kahit anong affection, kaiyak.  Eh hindi pa naman kami malambing at all sa bahay ko.  Hahaha.  Pang-bunso lang yun e! Kaya ayan tuloy, parang sabik na sabik ako sa mga tao.  At kung lumabas man, di ko rin naman sila maha-hug.  Kakatakot! Sana mabakunahan na kami lahat para kahit papano, kahit hug na may mask, game na! Hahahaha.

Oh at di rin ako makapag-date! HAHAHA. Wala naman ako dine-date ngayon (kahit virtual) tapos mukhang di naman ako bet nung bet ko pero alam mo yun, mas may chance sana kung pwede magkita eh.  Kaso wala nga so anong magagawa ko na?  Kawawa naman ang dating life ko, chos.  Lately, di rin.  Nakakatamad kasi pala talaga.  Wala na nga akong oras para sa mga gusto ko gawin, kelangan ko pa humanap ng oras para sa taong gusto ko (tapos ayaw naman sakin? Wag na lang.  Joke.  Medj.)

***

Sa ngayon, tuloy lang ako sa at least one photo / one video a day ko para pag binalikan ko ‘tong mga ganap sa pandemic, kahit gano ka-walang-kwenta, at least may memory ako.  Ngayon susubukan ko magsulat na sa journal.  Isang linggo na yung namiss ko.  Ayoko na yung nangyayari na naman sa mga luma kong planners and journals na hanggang March lang ako masipag tapos wala na ulit.  Kaya madali yung photos and videos eh, lalo dahil hawak ko naman phone lagi.  Yun nga lang, di mo masyadong maalala yung exact feelings mo sa moment na yon.  Kaya masaya pa rin talaga mag-journal.  Photos + words yung best combo for me 🙂 Ang makakalimutin ko kasi!

Lol ayan napaka-informal.  Tsaka na ko mag-iisip ng pwede isulat na medyo okay.  Gusto ko lang talaga magkalaman ‘tong blog para di naman sayang yung annual GoDaddy subscription ko haha.

Bye~

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

CommentLuv badge

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: